Umiiyak ako, bakit nga ba?
Ay oo, yan kasing turnilyong yan. Sinira ang mga pangarap ko. :(
Una, Klase na namin sa Physics. Recite dito, recite do'n. Saya saya talaga pag si Sir Vinluan ang teacher. Nag paPractice na sa'min si Sir Vinluan. Unang nagpasa si Eden Domdoma. Tama 'yung kanya. Nagpasa na din ako pero sa kinasamaang palad, mali ako. :(
Solve solve solve ulit!!!!
Hanggang sa may mga nag pasa na. Eh, First 5 lang yun. Hindi na daw pwede mag pasa at sinagutan na ni Eden sa board.
Nang Bigla na lang.......
May nag bato ng turnilyo! Binato pa ulit, At binato. Hanggang sa nakita ni Sir Vinluan ang turnilyo.
Nagalit s'ya. Sumigaw. Nag Sermon. Maraming sinabi At ang pinaka masakit na sinabi nya sa lahat....
"Wag n'yong asahan na makakakuha kayo ng mataas na grade sa'kin. Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat."
Nasaktan ako. Running For honor kasi ako. At ang Physics lang ang tanging pag asa ko.
Umiyak ako. Iyak ako ng iyak. At kung ano ano ang pumasok sa isip ko.
"Di ako ggraduate."
"di na lang ako mag aaral"
"Magagalit si Mommy"
...
Pero, inisip ko na lang na makakabawi pa naman ako next grading, at wala naman akong ginawa. nag sorry na kami.
Sana na nga lang hindi kami makakuha nang mababa.
Hello Turnilyo, Not so nice meeting you. :)
Kung ako si Dumay.
Kung ako naman si Dumay, gagayahin ko rin ang ginawa ni Dagwaley, ipaglalaban ko ang aking pag ibig sa tamang paraan. Susundin ko rin ang kagustuhan ng aking ama at hahayaan sa kanya ang magaiging desisyon, dahil ang ama ko ay alam ang mas nakabubuti. Ipaglalaban ko pa rin ang pag mamahal ko kay Dagwaley, Alam kong kahit anong mangyari magagawan ni Dagwaley ng paraan ang pag mamahalan namin dahil s'ya ay isang matalinong binata at karapat dapat pagkatiwalaan.
Seatmate or Soulmate?
(--- represents Hannah)
(~~~ represents Jeffrey)
--- Hi, ako nga pala si Hannah. Ngayon? Masasabi kong masaya ako, kasi katabi ko na nnaman sa classroom si Jeffrey. Mula First yearseatmates na kami hanggang ngayong 4th year, at matagal ko na din siyang gusto, peroparang wala naman akong pag asa dun eh, pogi kasi yun, talented halos perfect na.
~~~ I'm Jeffrey, 4thyr HS na 'ko. Graduating na, pero malungkot ako kasi wala nang "Hannah" na seatmate at wala nang tutulong sa'kin. Ang talino kasi nu'ng si Hannah. Minsan nga tinanong ko siya kung bakit wala pa siyang boyfriend.
"Ako? Eh may mahal ako eh."
'Yan ang sagot niya. Masasabi kong nasaktan ako at nmay humila sa'kin pababa. :( Pano na lang kung mahalin na sya ng taong mahal niya?
Wala na sigurong Hannah na laging na'nd'yan para sa'kin. Siguro, kailangan ko na ngang mag hanap ng iba para hindi pa masaktan.
--- Excited na 'ko pumasok kasi nag text si Jeffrey na mag papatulong s'ya sa lesson namin sa Math. At nang nakadating na 'ko sa school agad s'yang lumapit at tinuro n'ya yung lesson na ipapatulong n'ya. Habang tinuturuan ko s'ya napansin kong nakatitig s'ya sa mga mata ko, bakit kaya?Napatigil tuloy ako, Pero nagsalita s'ya
"Hannah, Bakit wala kang Boyfriend?".
Tumingin agad ako sa notebook na hawak ko at sinagot ng mabilis ang tanong n'ya na may kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko s'ya makausap ng ayos buong araw. At dahil ilang pa rin ako sa kanya, lagi akong nakikipag palit ng upuan sa kaklase kong medyo malayo sa'kin.
~~~ Bakit kaya ganun? Lumalayo si Hannah sa'kin. Nasasaktan na 'ko sa tuwing naghahanap s'ya ng kapalit n'ya sa upuan.
"Tol, pinapahingi ni Jana'yung number mo, 'yung Third Year." sabi ni Patrick na kapalit ni Hannah sa upuan, binigay ko. At madalas na nga kaming nag kakatext ni Jana, nag uusap din kami minsan.
--- Bakit ganun? Ang sakit, lagi kong nakikita si Jeffrey at Jana na mag kasama, sila ba? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya umiyak na 'ko.
"Hannah, umiiyak ka ba?" Tanong ni Patrick sa'kin.
"patrick, si Jana ba at Jeffrey?"
"Mag kaibigan lang sila"
Hindi ko alam na nasa likod ko na pala si Jeffrey.
~~~ Umiiyak daw si Hannah. Pumasok ako ng room para lapitan siya at may narinig akong tinatanong n'ya kay Patrick. Nakisali agad ako.
"Hindi kami, Hannah. Ikaw ang mahal ko."
Niyakap ko si Hannah at pinunasan ko ang luha n'ya, Mahal n'ya rin ako. At nag kasundo kami sa lahat ng bagay. Excited lagi akong pumasok kasi s'ya agad katabi ko, Hanggang grumaduate kami at Nag decide na parehong pumasok sa iisang University.