Ang Kasal ba'y Sakal?


Ang pagpapakasal ay panunumpa sa harap ng Diyos ng magasawa na masasama sila habangbuhay. pagmamahalan na tila hanggang libing ay madadala nila, anu mang pagsubok o kahirapan ang tahakin ay walang magpapahiwalay sa kanila. Pero, bago ang lahat ng iyan, sa kasal pa lang bay maipaglalaban na nila?

Ang kasal nga ba'y sakal? yan ang isang tanong na minsan ay pumapasok sa isipan natin. Ngunit para sa akin, maaaring oo at maaaring hindi. May mga kadahilanang nakapaloob sa dalawang sagot na iyon. Oo, dahil sa kasal, ang dalawang magkasintahan ay sa umpisa pa lamang ay masyadong malaki ang nagiging gastusin lalo na kung pormal. Totoo hindi ba? pero ito ay maliban na lamang sa mayaman naming Guro sa Filipino IV na si G. Edgar P. Aladeza na hindi mapapantayan ninuman. Pero para sa iba, nagpapakasal na lamang sila gamit ang isang judge para maliit lang ang salaping kailangang gastusan. Nariyan pa ang pagkakaroon ng Fixed Marriage sa dalawang nilalang. Kung saan hindi nila tanggap ang kanilang pagpapakasal at napagdesisyonan lamang ito ng kanilang mga magulang at hindi lingid sa kalooban nila ang pagiging magasawa, marahil ay nangyayari ito dahil gusto ng dalawang panig na magasawa ang kanilang mga anak ng mayaman na katulad nila at dahil dito, hindi na din masasabing nagiibigan talaga sila. Isa pang dahilan ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang mag-asawa kaya naman dumarating sa puntong lumalaki ang away nilang dalawa na nauuwi pa sa annulment kung saan pinapawalang sala nila ang kanilang pagpapakasal.

Masasabi ko namang hindi dahil para sa dalawang magasawa minsan ay madami pa ring nagagampanan ang kanilang sumpaan simula pa lamang noong sila ay nagsumpaan sa altar o sa simbahan. Wari ay kahit na dumaan sila sa lahat ng hirap at pagsubok ay hindi nila kayang bitiwan ang kanilang pagmamahalan na tamang-tama nga namang tularan ng lahat ng mag-asawa. Para bang kahit sa libing ay sila at sila parin. Hindi din masasabing sakal ang pagpapakasal lalo pa kung handang handa ang dalawang nagiibigan bago pa man din sila magsumpaan sa simbahan. Kaya sana sa lahat ng tao lalong lalo na sa mga kabataan ng henerasyong ito, dapat laging iisipin na hindi sakal ang isang kasal lalo pa man kung lingid ito sa damdamin natin, at alam nating mayroon tayong maipagmamalaki sa magiging anak natin kung sakaling tayo'y ikasal.


About Me

My photo
We are composed of 6 students from, SNSM. We are trying to share to you some activities we are doing in our school.

Followers



Karlo

Karlo

Eden

Eden

Arvin

Arvin

Andrei

Andrei

Mark

Mark

Archie

Archie
Powered By Blogger