```I'm Jessica. 3months na 'kong single. Hindi ako sanay, kasi 2years kami ng boyfriend ko dati. Kaya ngayon naghahanap na 'ko. May classmate ako, Si arvin. Pogi, talented, mabait, makulit. Lagi ko s'ya napapansin sa school.
Isang araw nagkatabi kami sa isang subject. Nagkwentuhan kami. Nagkwento s'ya about sa crush nya. 22years old na daw yun. Nag usap daw sila kagabi. Pero biglang sinabi nya sa'kin...
"Pwede ba kitang ligawan, Jessica?"
Nagulat ako sa sinabi n'ya. Di ko akalain. alam ko kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, pero mula ng tinanong nya yun. Lagi ko na s'ya iniisip pag gabi. At ang tinanong n'ya, kung seryoso ba s'ya dun.
```Ako nga pala si Arvin. Matagal ko ng gusto si Jessica, kaso may boyfriend s'ya eh.
Isang araw, nabalitaan ko break na sila. Sinimulan ko ng magpapansin kay Jessica. Lagi ko s'ya kinukulit. Inaasar. Tinatabihan. Pero nararamdaman ko hindi nya ko gusto. Kaya sinabi ko may crush akong iba. E, mukang hindi effective. Masaya pa sya para sa'kin. Edi dineretso ko na s'ya.
Muka namang nagulat s'ya pero hindi s'ya naniwala. Pero panatag na ko dahil nasabi ko na 'yung gusto kong sabihin.
Isang umaga maaga ako pumasok alam ko kasi maaga napasok si Jessica, Pero masyado ata ako napaaga, wala pang tao sa room namin. Nagbasa basa muna ako. Hanggang sa dumating si Jessica. Excited na 'ko nang nakita ko s'yang papasok. Pero nakita ko, nasa likod nya yung Ex nya di ko alam mararamdaman ko. Kaya tumahimik na lang ako hanggang sa pumasok na si Jessica.
```Mahal ko na si Arvin, OO! Kaso may problema, mahal ko pa rin yung ex kong si Gio. At eto na nga nakikipag balikan pa s'ya. Sino ba ang mas mahal ko? Sino ba ang mas dapat na mahalin ko? At pumasok na ko sa school, hindi sinasadya nag kasabay kami ni Gio. Sign na ba 'to?
Masaya talaga ko kasama si Gio, sa panahon na 'yun natulungan ako ng pag kakataon na piliin si Gio. At pumasok na 'ko sa room namin andun naman si Arvin.
"Jessica, sabay kayo pumasok ni Gio? Kayo na ba ulet?"
"Arvin, sorry ah. Hindi pa kami ulit." ................
Sorry.
Hello Turnilyo, Not so nice meeting you. :)

Umiiyak ako, bakit nga ba?
Ay oo, yan kasing turnilyong yan. Sinira ang mga pangarap ko. :(
Una, Klase na namin sa Physics. Recite dito, recite do'n. Saya saya talaga pag si Sir Vinluan ang teacher. Nag paPractice na sa'min si Sir Vinluan. Unang nagpasa si Eden Domdoma. Tama 'yung kanya. Nagpasa na din ako pero sa kinasamaang palad, mali ako. :(
Solve solve solve ulit!!!!
Hanggang sa may mga nag pasa na. Eh, First 5 lang yun. Hindi na daw pwede mag pasa at sinagutan na ni Eden sa board.
Nang Bigla na lang.......
May nag bato ng turnilyo! Binato pa ulit, At binato. Hanggang sa nakita ni Sir Vinluan ang turnilyo.
Nagalit s'ya. Sumigaw. Nag Sermon. Maraming sinabi At ang pinaka masakit na sinabi nya sa lahat....
"Wag n'yong asahan na makakakuha kayo ng mataas na grade sa'kin. Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat."
Nasaktan ako. Running For honor kasi ako. At ang Physics lang ang tanging pag asa ko.
Umiyak ako. Iyak ako ng iyak. At kung ano ano ang pumasok sa isip ko.
"Di ako ggraduate."
"di na lang ako mag aaral"
"Magagalit si Mommy"
...
Pero, inisip ko na lang na makakabawi pa naman ako next grading, at wala naman akong ginawa. nag sorry na kami.
Sana na nga lang hindi kami makakuha nang mababa.
Kung ako si Dumay.
Kung ako naman si Dumay, gagayahin ko rin ang ginawa ni Dagwaley, ipaglalaban ko ang aking pag ibig sa tamang paraan. Susundin ko rin ang kagustuhan ng aking ama at hahayaan sa kanya ang magaiging desisyon, dahil ang ama ko ay alam ang mas nakabubuti. Ipaglalaban ko pa rin ang pag mamahal ko kay Dagwaley, Alam kong kahit anong mangyari magagawan ni Dagwaley ng paraan ang pag mamahalan namin dahil s'ya ay isang matalinong binata at karapat dapat pagkatiwalaan.
Seatmate or Soulmate?
(--- represents Hannah)
(~~~ represents Jeffrey)
--- Hi, ako nga pala si Hannah. Ngayon? Masasabi kong masaya ako, kasi katabi ko na nnaman sa classroom si Jeffrey. Mula First yearseatmates na kami hanggang ngayong 4th year, at matagal ko na din siyang gusto, peroparang wala naman akong pag asa dun eh, pogi kasi yun, talented halos perfect na.
~~~ I'm Jeffrey, 4thyr HS na 'ko. Graduating na, pero malungkot ako kasi wala nang "Hannah" na seatmate at wala nang tutulong sa'kin. Ang talino kasi nu'ng si Hannah. Minsan nga tinanong ko siya kung bakit wala pa siyang boyfriend.
"Ako? Eh may mahal ako eh."
'Yan ang sagot niya. Masasabi kong nasaktan ako at nmay humila sa'kin pababa. :( Pano na lang kung mahalin na sya ng taong mahal niya?
Wala na sigurong Hannah na laging na'nd'yan para sa'kin. Siguro, kailangan ko na ngang mag hanap ng iba para hindi pa masaktan.
--- Excited na 'ko pumasok kasi nag text si Jeffrey na mag papatulong s'ya sa lesson namin sa Math. At nang nakadating na 'ko sa school agad s'yang lumapit at tinuro n'ya yung lesson na ipapatulong n'ya. Habang tinuturuan ko s'ya napansin kong nakatitig s'ya sa mga mata ko, bakit kaya?Napatigil tuloy ako, Pero nagsalita s'ya
"Hannah, Bakit wala kang Boyfriend?".
Tumingin agad ako sa notebook na hawak ko at sinagot ng mabilis ang tanong n'ya na may kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko s'ya makausap ng ayos buong araw. At dahil ilang pa rin ako sa kanya, lagi akong nakikipag palit ng upuan sa kaklase kong medyo malayo sa'kin.
~~~ Bakit kaya ganun? Lumalayo si Hannah sa'kin. Nasasaktan na 'ko sa tuwing naghahanap s'ya ng kapalit n'ya sa upuan.
"Tol, pinapahingi ni Jana'yung number mo, 'yung Third Year." sabi ni Patrick na kapalit ni Hannah sa upuan, binigay ko. At madalas na nga kaming nag kakatext ni Jana, nag uusap din kami minsan.
--- Bakit ganun? Ang sakit, lagi kong nakikita si Jeffrey at Jana na mag kasama, sila ba? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya umiyak na 'ko.
"Hannah, umiiyak ka ba?" Tanong ni Patrick sa'kin.
"patrick, si Jana ba at Jeffrey?"
"Mag kaibigan lang sila"
Hindi ko alam na nasa likod ko na pala si Jeffrey.
~~~ Umiiyak daw si Hannah. Pumasok ako ng room para lapitan siya at may narinig akong tinatanong n'ya kay Patrick. Nakisali agad ako.
"Hindi kami, Hannah. Ikaw ang mahal ko."
Niyakap ko si Hannah at pinunasan ko ang luha n'ya, Mahal n'ya rin ako. At nag kasundo kami sa lahat ng bagay. Excited lagi akong pumasok kasi s'ya agad katabi ko, Hanggang grumaduate kami at Nag decide na parehong pumasok sa iisang University.

