saan ka man pumunta, sana'y marinig mo to
awitin na laman ng aking puso'y alay ko sayo
hanggang sa paghatid namin sayong huling hantungan
buhay na wala sa amin, nawalan nang katarungan
at ang daming katanungan di ako mahihiya,
na sabihan bilang kaibigan ay mahal kita
ang daming oras na pinagdaanan, ang lahat nasayang
maganda nating pinagsamahan di kayang bayaran
at saan ka man ngayon saludo ang aking pabaon,
mga memorya nating magkasama'y di pwedeng itapon
kukunin kitang kumpare kahit di na magbalik
kung pwedeng ibalik ang mga araw dun ako sabik
gusto ko mang humiyaw sa iyong pagkawala
isang matalik na kaibigan di na sakin naiba,
turing ko sayo ay kasangga, parang kapatid
sisigaw ko ay patawad kahit hanggang mapatid
ang litid ng aking hininga
hanggang maubos aking boses
kung patalikod inaasar kita ng ilang beses
tandaan mo kahit kailan di ka namin malilimot
ang pagkawala mo para sa'min ay masalimuot
at dama ang kalungkutan na pasan ng yong magulang
sa pagkakaibigan nati'y tanong ko kung nagkulang
at kung ibabalik ang mga araw na lumipas
pipiliin ko na makasama ka ng ilang oras
para masabi ko sayo ang gusto kong sabihin
huli na nga kayang sumulat ng isang awitin
ikot ng aming mundo'y tuluyan nang nagbago
lungkot ng pagkatao kahit pilit na itago
sa bawat araw na nagdaan, na hindi natin naiisip
buhay ay pwedeng mawala nang kahit lang sa panaginip
ihip ng hangin ay sumisikip, lalong umiinit
pinagsamahan nati'y kusa na walang pumilit
tagay ko sayo'y taas ang basong ibibigay
isang pagsubog para sa amin nang ikay mawalay
at sana ay maalala mo ang kaysaya na araw
alam ko na magkikita tayo muli balang araw


1 comments:
hahaha. andrei to :)))) wala akong magawa!
Post a Comment