Sa bawat bahagi ng watawat na hinabi


Tayo ay pilipino sa isip at sa gawa

ngunit bakit may mga pinuno,puro lamang salita?
isang gobyerno na kayang sikmurahin at magtawanan
may pamilyang kumakain na kulang sa dalawang
beses sa isang araw, minsan wala ngang panlugaw.
Bakit ganito kababaw? isang pagkaing nilalangaw
ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
alam ba ng husgado at lahat ng hukom
na meron mas masahol pa sa hatol ng kamatayan
yan ay ika'y maghirap sa sarili mong bayan
mga bata na ang dapat na ginagawa ay maglaro
bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
upang kumita ng ilang piraso na pisong madungis
kalyo sa kamay at paa na manhid at madungis
hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
bagkus isang taong gulang na kapatid at may baso sa harapan
na nagbabakasakaling lagyan ng baryang pambili ng tinapay na panlaman sa tiyan
mga pinunong bago mamatay at magkasakit sa sarap ng buhay
sa akin kayo ay makinig

mga bakal na dumudura ng apoy at tingga
tangan- tangan at balot ng kasuotang pandigma
bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha
sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksa
sa pareparehong sundalo, muslim man o kristyano
ilan man ang masawi di mo alam kung sino ang panalo
walang panalo, dahil sa huli tayo pa rin ang talo
pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado
yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako
respeto't, pagmamahal ay pilit tinatago
lawing hindimakadapo, may pakpak na limitado
at nakakulong sa seldang nakakandado
kailan kaya matatapos ang pagagos ng dugo
at ang kapayapaan ay mahahawakan ng buong buo
yan ba ang kwento o tanong na pilit humahawi
sa bawat bahagi ng watawat na hinabi.

0 comments:

Post a Comment


About Me

My photo
We are composed of 6 students from, SNSM. We are trying to share to you some activities we are doing in our school.

Followers



Karlo

Karlo

Eden

Eden

Arvin

Arvin

Andrei

Andrei

Mark

Mark

Archie

Archie
Powered By Blogger