
Tayo ay pilipino sa isip at sa gawa
Sa bawat bahagi ng watawat na hinabi

Sabi nila, Mahirap mag tiwala sa isang Textmate.
Pero pano kung napamahal ka na talaga sa textmate mo?
Ako si Jane. Graduating student ng High School. Never pa 'kong nag ka boyFriend, puro crush lang ako. Ayoko kasi masaktan.
Isang araw, Nakita kong nilalandi ng friend ko yung crush ko. Nainis ako, Para bang gusto kong bumawi, kaya kinuha ko yung number ng BoyFriend nya, At nag sumbong ako. Pero, hindi sya naniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa isang text lang? Wala na kong choice kundi ang maging textmate na din sya.
Siya si Micko, Naging close kami ng sobra. Dumating ang araw na nagbreak sila ng Friend ko. 'Di ko nga alam ang reason eh, pero walang nag bago, Textamate pa din kami.
Sa sobrang bait nya sa'kin, Parang ayaw ko na syang mawala sa'kin. Nararamdaman kong mahalaga na sya sakin.
Tumawag sya sakin. Kaso iba ang boses, Boses babae. Maliit ang boses, kala ko nga babae eh. Pero sya pala talaga yun. Sabi nya nag kaproblema raw yung lalamunan nya. Mula bata pa sya. Naniwala naman ako sa kanya.
Palagi na kaming nag kakatext. At talagang panatag ang loob ko sa kanya.
Dalawang Buwan na din kaming Textmate, At Bigla nya kong niligawan. Sabi nya mahal nya na 'ko. At masaya sya pag katext nya ko. Mahal ko na rin sya. Kaya para masubukan lang Sinagot ko sya.
Talagang naFall na ko sa kanya, At Binigay ko ang buong tiwala ko sa kanya. At naging totoo sa kanya. Kaso, Naging totoo rin kaya Sya sakin?
Iang Araw nag text ako sa kanya.
"Micko, Gusto na kitang makita."
"San at kailan naman?"
"Sa Saturday, Sa festival, 3pm :)"
"Sige pupunta ako."
Dumating ang sabado. 3:15pm, Tinext ko na sya.
"San ka na micko?"
"Andito na ko,"
Hinintay ko sya, At tinext ng tinext.
Pero umabot na ng 4:00 wala pa rin sya. Wala kong nagawa kundi umuwi ng may luha sa mata.
Kinabukasan, Lumapit ako sa isa kong classmate. Naging katext nya rin pala si Micko. Marami syang kinuwento about kay Micko.
At Sobra akong nasaktan sa kinuwneto nya. At hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba. Kaya pala, Ayaw nya makipagkita. Kaya pala ganun ang boses nya. kaya pala hanggang textmate lang dapat kami kasi.....
BABAE sya..
Going back to the Corner where I first saw you.
Babalik na naman ako sa Lugar, kung saan una tayong nag kita.
Kahit gano kalamig, du'n ako matutulog.
Kukuha nang masusulatan katabi ng Picture mo.
At sasabihin " Pag nakita nyo sya. Sabihin nyo kung nasan ako"
May mga nag bibigay sa'kin ng barya, Hindi siguro nila ko naiintindihan.
Hindi naman ako sira. Sira lang talaga tong puso ko.
Alam ko wala ng kwenta, pero ano bang magagawa ko?
Pano kita malilimutan kung hanggang ngayon mahal pa din kita.
Pero kung isang umaga gumising ka, at namimiss mo ko
At iniisip mo kung kamusta na kaya ako.
At iniisip ko na naman na babalik ka dito kung saan tayo nag kakilala.
At makikita mo ko na'n dito hinihintay ka pa din
At hindi umaalis.
Sabi ng Police: "Miss hindi ka pwede dito."
Sabi ko: "May hinihintay ako dito. Siguro mga 1araw na, 1buwan o 1taon.
Hindi ako aalis kahit bumagyo o mag snow.
Alam ko pag nag bago ang isip nya dito sya unang pupunta.
Pinag uusapan ng mga tao ang Girl na matagal nang hinihintay yung Guy.
I think that's me
Siguro magiging sikat na ko dahil sa ginagawa ko.
Siguro wala lang sayo pero sigurado makikita mo ko sa News
At pupuntahan mo ko
Kasi alam mo lahat ng yon ay para sayo.
Ako ang Girl na hindi maka alis sa lugar na pinag tagpuan natin.
Umaasang babalik ka don.
Paalam kaibigan
ang ihip ng hangin
Sumapit ang gabi, at akoy nangati
napahinto nang saglit, napaupo sa tabi
aking napagtanto ngunit di ko naikubli
sa aking sarili ako palay nadudumi
hindi ko maipaliwanag aking nararamdaman
buo ba ito o hangin lang sa aking tyan
nang may umupo sa aking harapan
at masamang hangin ay naglabasan
pareho pala kami ng nararamdaman,
at kamiy nagkwentuhan
sya din pala'y nasikmuraan
at dito nabuo ang aming pagmamahalan
o kay sarap mabuhay
parang masustansyang gulay
na kasing sarap ng siomai
katulad ng pagmamahal ko kay dumay
Sorry.
```I'm Jessica. 3months na 'kong single. Hindi ako sanay, kasi 2years kami ng boyfriend ko dati. Kaya ngayon naghahanap na 'ko. May classmate ako, Si arvin. Pogi, talented, mabait, makulit. Lagi ko s'ya napapansin sa school.
Isang araw nagkatabi kami sa isang subject. Nagkwentuhan kami. Nagkwento s'ya about sa crush nya. 22years old na daw yun. Nag usap daw sila kagabi. Pero biglang sinabi nya sa'kin...
"Pwede ba kitang ligawan, Jessica?"
Nagulat ako sa sinabi n'ya. Di ko akalain. alam ko kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, pero mula ng tinanong nya yun. Lagi ko na s'ya iniisip pag gabi. At ang tinanong n'ya, kung seryoso ba s'ya dun.
```Ako nga pala si Arvin. Matagal ko ng gusto si Jessica, kaso may boyfriend s'ya eh.
Isang araw, nabalitaan ko break na sila. Sinimulan ko ng magpapansin kay Jessica. Lagi ko s'ya kinukulit. Inaasar. Tinatabihan. Pero nararamdaman ko hindi nya ko gusto. Kaya sinabi ko may crush akong iba. E, mukang hindi effective. Masaya pa sya para sa'kin. Edi dineretso ko na s'ya.
Muka namang nagulat s'ya pero hindi s'ya naniwala. Pero panatag na ko dahil nasabi ko na 'yung gusto kong sabihin.
Isang umaga maaga ako pumasok alam ko kasi maaga napasok si Jessica, Pero masyado ata ako napaaga, wala pang tao sa room namin. Nagbasa basa muna ako. Hanggang sa dumating si Jessica. Excited na 'ko nang nakita ko s'yang papasok. Pero nakita ko, nasa likod nya yung Ex nya di ko alam mararamdaman ko. Kaya tumahimik na lang ako hanggang sa pumasok na si Jessica.
```Mahal ko na si Arvin, OO! Kaso may problema, mahal ko pa rin yung ex kong si Gio. At eto na nga nakikipag balikan pa s'ya. Sino ba ang mas mahal ko? Sino ba ang mas dapat na mahalin ko? At pumasok na ko sa school, hindi sinasadya nag kasabay kami ni Gio. Sign na ba 'to?
Masaya talaga ko kasama si Gio, sa panahon na 'yun natulungan ako ng pag kakataon na piliin si Gio. At pumasok na 'ko sa room namin andun naman si Arvin.
"Jessica, sabay kayo pumasok ni Gio? Kayo na ba ulet?"
"Arvin, sorry ah. Hindi pa kami ulit." ................
Hello Turnilyo, Not so nice meeting you. :)

Umiiyak ako, bakit nga ba?
Ay oo, yan kasing turnilyong yan. Sinira ang mga pangarap ko. :(
Una, Klase na namin sa Physics. Recite dito, recite do'n. Saya saya talaga pag si Sir Vinluan ang teacher. Nag paPractice na sa'min si Sir Vinluan. Unang nagpasa si Eden Domdoma. Tama 'yung kanya. Nagpasa na din ako pero sa kinasamaang palad, mali ako. :(
Solve solve solve ulit!!!!
Hanggang sa may mga nag pasa na. Eh, First 5 lang yun. Hindi na daw pwede mag pasa at sinagutan na ni Eden sa board.
Nang Bigla na lang.......
May nag bato ng turnilyo! Binato pa ulit, At binato. Hanggang sa nakita ni Sir Vinluan ang turnilyo.
Nagalit s'ya. Sumigaw. Nag Sermon. Maraming sinabi At ang pinaka masakit na sinabi nya sa lahat....
"Wag n'yong asahan na makakakuha kayo ng mataas na grade sa'kin. Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat."
Nasaktan ako. Running For honor kasi ako. At ang Physics lang ang tanging pag asa ko.
Umiyak ako. Iyak ako ng iyak. At kung ano ano ang pumasok sa isip ko.
"Di ako ggraduate."
"di na lang ako mag aaral"
"Magagalit si Mommy"
...
Pero, inisip ko na lang na makakabawi pa naman ako next grading, at wala naman akong ginawa. nag sorry na kami.
Sana na nga lang hindi kami makakuha nang mababa.
Kung ako si Dumay.
Kung ako naman si Dumay, gagayahin ko rin ang ginawa ni Dagwaley, ipaglalaban ko ang aking pag ibig sa tamang paraan. Susundin ko rin ang kagustuhan ng aking ama at hahayaan sa kanya ang magaiging desisyon, dahil ang ama ko ay alam ang mas nakabubuti. Ipaglalaban ko pa rin ang pag mamahal ko kay Dagwaley, Alam kong kahit anong mangyari magagawan ni Dagwaley ng paraan ang pag mamahalan namin dahil s'ya ay isang matalinong binata at karapat dapat pagkatiwalaan.
Seatmate or Soulmate?
(--- represents Hannah)
(~~~ represents Jeffrey)
--- Hi, ako nga pala si Hannah. Ngayon? Masasabi kong masaya ako, kasi katabi ko na nnaman sa classroom si Jeffrey. Mula First yearseatmates na kami hanggang ngayong 4th year, at matagal ko na din siyang gusto, peroparang wala naman akong pag asa dun eh, pogi kasi yun, talented halos perfect na.
~~~ I'm Jeffrey, 4thyr HS na 'ko. Graduating na, pero malungkot ako kasi wala nang "Hannah" na seatmate at wala nang tutulong sa'kin. Ang talino kasi nu'ng si Hannah. Minsan nga tinanong ko siya kung bakit wala pa siyang boyfriend.
"Ako? Eh may mahal ako eh."
'Yan ang sagot niya. Masasabi kong nasaktan ako at nmay humila sa'kin pababa. :( Pano na lang kung mahalin na sya ng taong mahal niya?
Wala na sigurong Hannah na laging na'nd'yan para sa'kin. Siguro, kailangan ko na ngang mag hanap ng iba para hindi pa masaktan.
--- Excited na 'ko pumasok kasi nag text si Jeffrey na mag papatulong s'ya sa lesson namin sa Math. At nang nakadating na 'ko sa school agad s'yang lumapit at tinuro n'ya yung lesson na ipapatulong n'ya. Habang tinuturuan ko s'ya napansin kong nakatitig s'ya sa mga mata ko, bakit kaya?Napatigil tuloy ako, Pero nagsalita s'ya
"Hannah, Bakit wala kang Boyfriend?".
Tumingin agad ako sa notebook na hawak ko at sinagot ng mabilis ang tanong n'ya na may kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko s'ya makausap ng ayos buong araw. At dahil ilang pa rin ako sa kanya, lagi akong nakikipag palit ng upuan sa kaklase kong medyo malayo sa'kin.
~~~ Bakit kaya ganun? Lumalayo si Hannah sa'kin. Nasasaktan na 'ko sa tuwing naghahanap s'ya ng kapalit n'ya sa upuan.
"Tol, pinapahingi ni Jana'yung number mo, 'yung Third Year." sabi ni Patrick na kapalit ni Hannah sa upuan, binigay ko. At madalas na nga kaming nag kakatext ni Jana, nag uusap din kami minsan.
--- Bakit ganun? Ang sakit, lagi kong nakikita si Jeffrey at Jana na mag kasama, sila ba? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya umiyak na 'ko.
"Hannah, umiiyak ka ba?" Tanong ni Patrick sa'kin.
"patrick, si Jana ba at Jeffrey?"
"Mag kaibigan lang sila"
Hindi ko alam na nasa likod ko na pala si Jeffrey.
~~~ Umiiyak daw si Hannah. Pumasok ako ng room para lapitan siya at may narinig akong tinatanong n'ya kay Patrick. Nakisali agad ako.
"Hindi kami, Hannah. Ikaw ang mahal ko."
Niyakap ko si Hannah at pinunasan ko ang luha n'ya, Mahal n'ya rin ako. At nag kasundo kami sa lahat ng bagay. Excited lagi akong pumasok kasi s'ya agad katabi ko, Hanggang grumaduate kami at Nag decide na parehong pumasok sa iisang University.

